TheLastLyrics

song lyrics archive

Naririnig Mo Ba

JULIE ANNE SAN JOSE · Chasing The Light 2016 · Track 01 of 06

Parang kailan lang Ay labis na akong nasaktan Pinilit mang kalimutan ang nakaraan At maghilom ang pusong sugatan

Nang ika'y dumating Paglipas ng araw ay kasabay ng hangin Naglalaro sa isip Susubukan nalang ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling ay iyong mapansin Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat Pwede bang ikaw nalang ang papawi sa mga luha Marahil nga ikaw ang tibok ng puso Naririnig mo ba?

Hayaan na bigyan Ng kulay ang bawat patlang At sa pagguhit ng tadhana Di alam sa'n mapupunta Naglalaro sa isip Susubukan nalang Ang sarili na muling magmahal

Ang tanging hiling ay iyong mapansin Itong pagtingin at damdamin sana'y tanggapin Hinahanap-hanap ng aking pusong ligaw Ang pagmamahal na tunay at karapat-dapat Pwede bang ikaw nalang ang papawi sa mga luha Marahil nga ikaw ang tibok ng puso Naririnig mo ba?

Report a mistake in these lyrics